Hinikayat ng pamunuan ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang publiko na magtungo na sa pinakamalapit na lotto outlets sa kanilang lugar at tumaya na sa kanilang lotto games.
Itoโy dahil milyun-milyon na naman ang mga papremyo ng lotto games ng PCSO na naghihintay upang mapanalunan nila ngayong Miyerkules ng gabi, Marso 15, 2023.
Batay sa inilabas na jackpot estimates ng PCSO, nabatid na aabot na sa higit P29.7 milyon ang jackpot prize ng GrandLotto 6/55 habang P15 milyon naman ang papremyong ipamimigay ng MegaLotto 6/45, na kapwa bobolahin ganap na alas-9:00 ng gabi.
โ๐๐บ๐ฉ๐ผ๐ฌ๐ข๐๐ฅ๐ ๐๐๐ง๐ ๐บ๐๐ง๐๐ฅ๐ผ ๐ฌ๐ ๐ฅ๐ผ๐ญ๐ญ๐ผ?ย ๐๐ ๐๐ผ๐ฎ๐ซ๐ฌ๐ ๐ง๐ผ๐ญ! ๐๐ง๐ ๐๐๐บ๐ข ๐ง๐๐ง๐ ๐ง๐๐ค๐๐ฉ๐๐ ๐ฉ๐๐ญ๐ฎ๐ง๐๐ฒ ๐ง๐ ๐ฌ๐ ๐๐ผ๐ญ๐ญ๐ผ, ๐๐ฎ๐ก๐๐ฒ ๐ค๐๐ง๐ ๐๐๐ญ๐ ๐ค๐!ย ๐๐ญ ๐ฉ๐๐ญ๐ฎ๐ฅ๐ผ๐ฒ ๐ฉ๐ ๐ง๐ ๐๐ง๐ ๐๐ฎ๐บ๐๐ซ๐๐บ๐ข ๐๐ง๐ ๐ง๐๐ค๐๐ค๐๐๐ฑ๐ฉ๐๐ซ๐ข๐๐ง๐๐ ๐ง๐ ๐ผ๐ง๐๐ ๐ข๐ง ๐ ๐ฅ๐ข๐๐๐ญ๐ข๐บ๐ ๐๐ฑ๐ฉ๐๐ซ๐ข๐๐ง๐๐ ๐ง๐ ๐ข๐ญ๐ผ ๐๐๐ก๐ข๐ฅ ๐ฌ๐ ๐ฉ๐๐ ๐ข๐ ๐ข๐ง๐ ๐ฅ๐ผ๐ฒ๐๐ฅ ๐ฌ๐ ๐บ๐ ๐ ๐ง๐ฎ๐บ๐๐ซ๐ผ ๐ง๐ข๐ฅ๐ ๐ฌ๐ ๐ฅ๐ผ๐ญ๐ญ๐ผ!ย ๐๐๐ฒ๐ ๐ฌ๐ ๐ฅ๐๐ก๐๐ญ ๐ง๐ #๐๐๐ฅ๐๐ซ๐ผ ๐๐ง #๐๐ฎ๐๐๐๐ซ๐ค๐๐๐ ๐ง๐ ๐ง๐๐ค๐๐ค๐๐๐๐ฌ๐ ๐ง๐ข๐ญ๐ผ, ๐๐ก๐๐ญ๐๐ก๐ฎ ๐ฐ๐๐ข๐ญ๐ข๐ง๐ ๐๐ผ๐ซ?" ayon pa sa PCSO.
Una nang sinabi ni PCSO Vice Chairperson at General Manager Melquiades Robles na walang talo sa pagtaya sa lotto, dahil sa halagang โฑ20 lang ay may pagkakataong nang maging lotto millionaire, at nakatulong pa sa mga kababayan nating nangangailangan.
Ang GrandLotto 6/55 ay binubola tuwing Lunes, Miyerkules at Sabado habang ang MegaLotto 6/45 ay may draw naman tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes.