Malapit na umanong bumalik sa P9 ang minimum na pamasahe para sa tradisyunal na jeepney kapag nagbigay na ang Department of Transportation (DOTr) ng go-signal para sa pagpapatupad nito sa pamamagitan ng Service Contracting Program.

Ang P9 na minimum na pamasahe para sa tradisyunal na jeepney bago ang Covid-19 pandemic ay itinaas sa P12 kasunod ng serye ng pagtaas ng presyo ng langis noong nakaraang taon.

Sinabi ni Teofilo Guadiz III, chairperson ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), na ang panukalang pagbabalik sa pre-pandemic na P9 na minimum na pamasahe para sa tradisyunal na jeepney ay sakop ng P1.2 bilyong pondo mula sa Department of Budget and Management (DBM). .

Ilalaan sana ang P1.2 bilyong pondo para sa extension ng libreng sakay ng mga pampasaherong bus na dumadaan sa rutang EDSA, na nagtapos noong Disyembre ng nakaraang taon.

National

Sen. Bong Go, pinakiusapan si Sen. Imee na pagkasunduin muli sina PBBM, VP Sara

Ngunit kalaunan ay napagpasyahan na gamitin para sa iba pang mga pampublikong sasakyan, partikular na ang mga jeepney, upang masakop ang maraming mga commuter.

“Hinihintay na lang namin ang pag-download ng pera sa LTFRB. Kapag na-download na, sisimulan na natin ang Service Contracting (Programa),” ani Guadiz.

“We also have to take the cue from the Office of the Secretary, how they intend to do it. Sa tingin ko, ang gagawin nila ay gagamitin nila ang P1.2 bilyon para masakop ang maraming serbisyo sa transportasyon sa buong bansa,” dagdag niya.

Sinabi ni Guadiz na umaasa sila na mas maraming pondo ang mailalaan para mapalawig ang pagpapatupad nito lalo na sa gitna ng patuloy na pagtaas ng inflation rate sa bansa.

“I believe the budget may last only for about 6 months, half a year. So as early as now, I am requesting the DOTr to come up with additional funding so that this program would be extended until the end of this year,” pagtatapos ng opisyal.

Aaron Recuenco