Inaabangan ng daan-daang netizens ang pelikulang 'Chupa' na ipapalabas sa Netflix simula sa Abril 7, Biyernes.

Ang kuwento nasabing pelikula ay umiikot sa isang batang lalaking nakipagkaibigan sa isang hindi ordinaryong nilalang na nakikila niya habang bumisita siya sa kaniyang pamilya sa Mexico. Dito na nagsimula ang kakaibang paglalakbay niya kasama si 'Chupa.'

Sa direksyon ni Jonás Cuarón (Desierto), ang pelikula ay iprinoduce ng 26th Street Pictures’ Chris Columbus, Michael Barnathan, at Mark Radcliffe (The Christmas Chronicles).

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Ang Chupacabra ay isang sikat na alamat na popular sa mga bansa sa South America.

Umani naman ng reaksiyon ang nasabing trailer ng pelikula:

"Excited na ako sa Chupa!"

"Mukhang bet ko ang Chupa."

"The design is very Oten-tic."

"Akala ko pang VivaMax."

"I'm ready to discover the legend of Chupa."

"Netflix and chill tayo please."