Naglabas na rin ng kanilang Holy Week schedule ang pamunuan ng Light Rail Transit Line 1 (LRT-1).

Sa abiso ng Light Rail Manila Corporation (LRMC), na siyang nangangasiwa sa operasyon ng LRT-1, nitong Martes ng gabi, nabatid magsususpinde sila ng operasyon mula Abril 6, Huwebes Santo, hanggang Abril 9, Linggo ng Pagkabuhay o Easter Sunday.

Ito'y bilang pakikiisa sa Mahal na Araw, na isa sa pinakabanal na okasyon para sa mga Katoliko.

Layunin nitong bigyang-daan na rin ang pagdaraos ng kanilang taunang maintenance activities at mga kinakailangang upgrades sa kanilang sistema.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

"LRMC is set to conduct its annual maintenance activities and necessary upgrades of the system. LRT-1 operations will be temporarily suspended from 06 April 2023 (Holy Thursday) to 09 April 2023 (Easter Sunday)," abiso pa ng LRMC.

Inaasahang magbabalik sa normal ang operasyon ng LRT-1 sa Lunes, Abril 10.

"NORMAL OPERATIONS of LRT-1 along existing line – Baclaran to Roosevelt Station will RESUME on 10 April (Monday)," anito pa. "Salamat po sa pag-unawa. Ingat po sa biyahe!" 

Matatandaang una nang nagpaabiso ang pamunuan ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) at LRT Line 2 (LRT-2) na apat na araw na magsususpinde ng operasyon sa Mahal na Araw upang bigyang-daan ang kanilang taunang maintenance activities.