Mainit ang mata ng mga marites sa hindi pumapalyang aktor na si Jake Cuenca sa pagpuso mga larawan ng aktres at dancer na si Chie Filomeno sa Instagram nito.

Chika ng mga netizens sa dalawang aktor na sina Jake at Chie, na may 'something' ang dalawa nang mapansin ng netizens na tuloy-tuloy ang pag-heart at minsan pa'y pagko-comment si Jake sa mga larawan ni Chie.

Makikita sa ilang larawan ng aktres sa Instagram, nagkomento ng fire emoji ang aktor at naka-heart si Jake sa mga ito.

National

PBBM, masayang ligtas si Donald Trump mula sa 'assassination attempt'

Minsan nang na-link si Chie sa singer na si Kyle Echarri habang ang huling relasyon ni Jake ay kay Kylie Verzosa.

Dahil dito, napaisip ang ilan sa umano'y namamagitan sa dalawa o di kaya'y interesado ang aktor kay Chie.