Nagbunsod ng katatawanan ngayon sa social media ang isang lumang litratong ibinahagi ng isang netizen na nagngangalang "Chum Chum Lana" kung saan ibinahagi niya ang nakasulat na mensahe ng isang lola sa kaniyang lolong OFW noon pang 1992.

Kalat na kalat na sa iba't ibang social media pages ang mensahe ng misis sa kaniyang mister na pinadalhan niya ng kaniyang litrato sa ibang bansa. Hindi pa kasi uso ang social media noon kaya mga litrato at sulat ang madalas na palitan at komunikasyon noon.

Sa unang litrato, makikita ang sinasabing lola ng uploader na kumakain habang nasa isang handaan. Kitang-kita ang malaking pagnganga ng bibig nito habang nakatingin sa camera.

Ibinahagi rin umano ng uploader ang notes na nasa likod ng litrato. May petsa itong January 20, 1992.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Mababasa ang ganito, "Ito naman ang kuha ko habang kumakain ako, alam kong kukuhaan ako kaya nilakihan ko ang subo ko."

Ang sumunod na mensahe ang ikinawindang ng mga nakabasang madlang netizens.

"Darling, pag-uwi mo iba ang isusubo diyan. Ako na lang ang nakakaalam noon, ayos ba?"

"I love you!"

Narito naman ang mga reaksiyon at komento ng netizens.

"Hahahaha so meron na pala talagang ganito noon… Pero dati daw napaka sag grado ng mga bagay na iyan…ni bigkasin mo nga daw 'yan in public, bawal…"

"Nostalgic, I remember my aunt sending us photos from Hong Kong with notes 😂 She actually has the same handwriting with one!!"

"Pilyang lola 'yan ah. May subuan na palang nagaganap noon, akala ko nowadays na lang nagaganap ang mga subuan."

"Ang wild naman ni lola hahahaha."

Marami naman sa mga netizen ang nakaramdam ng nostalgia sa makalumang paraan noon ng komunikasyon lalo na kapag nasa ibang bansa ang kaanak.

Mababasa ang post sa Facebook page na "Philippine Old Photos Collection."

---

---

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa aming Facebook at Twitter!