Ipinahayag ni TV Host Vhong Navarro nitong Martes, Marso 14, na naniniwala muli siyang may justice system sa Pilipinas dahil umano sa Supreme Court na siyang nagbasura ng mga kasong rape at acts of lasciviousness laban sa kaniya.

BASAHIN: SC, binaliktad ang desisyon ng Court of Appeals, pinawalang-sala si Vhong Navarro

Sa pahayag ni Navarro sa programang It’s Showtime kung saan isa siyang host, ibinahagi niya ang kaniyang naging karanasan habang kinakaharap ang nasabing mga kasong inihain laban sa kaniya ng modelong si Deniece Cornejo.

“Dasal ako nang dasal every day, every night, na hopefully ay makuha ko na ang minimithi ko na matapos na itong pinagdadaaanan ko. May mga panahon na nawalan ako ng pag-asa, nawalan ako ng hope noong nasa loob ako, pero hindi ako tumigil sa pagdadasal,” ani Navarro.

National

Pepito, kumikilos pa-northwest sa WPS; Signal #3, nakataas sa 3 lugar sa Luzon

“Kaya, ito na po, [dininig] na po ng Supreme Court ‘yung dasal natin at nagkakaroon na po ng maganda ang ginawa nilang pagresolba sa kaso ko,” dagdag niya.

Bukod sa Supreme Court, pinasalamatan din ni Navarro ang kaniyang pamilya, kaibigan, legal team, ABS-CBN, at kaniyang mga taga-suporta na hindi umano nang-iwan sa kaniya sa gitna ng pagsubok na pinagdaanan.

Matatandaang umusbong ang mga nasabing kaso laban kay Navarro noong 2014 matapos siyang akusahan ni Cornejo ng attempted rape dahil sa nangyari umano sa kaniyang condominium unit sa Taguig.