Tila may patutsada si GMA head writer Suzette Doctolero sa mga taong ayaw sa mga nagiging "vocal" o nagsasalita sa social media, at tinawag niyang "mahihinang nilalang."
"Bansa tayo na gustong passive lahat. Kapag may magsalita, patatahimikin. Kapag sumigaw ng rape, ima-mock. Kapag may magsabi ng mali at naranasan niya, susumbatan. Ano ba?? Mahihinang nilalang. Kungdi gustong marinig at mabasa, e di wag mong pakinggan at basahin. Tuldok!" aniya.
"At kung pagbabawalan ang lahat na magsalita…. Ano silbi ng socmed? Manood lang ng mga nagsasayaw at mga nagpapa cute? 🤮 ika nga ni G Washington Apple 🤣 'If freedom of speech is taken away, then dumb and silent we may be led, like sheep to the slaughter.' Good morning!"
Wala namang binanggit si Doctolero kung para saan at kanino ang pinatutungkulan ng kaniyang cryptic tweets.