Naintriga ang mga netizen kung ano ang "private event" na dahilan ng isang araw na pagsasara ng isang sikat na amusement park sa Pasay City.

Nagkaroon ng anunsyo ang "Star City" na magsasara sila ng buong araw sa Marso 25 dahil sa isang naka-book na "private event" na hindi na tinukoy kung ano.

'Please be informed that Star City is booked for a private event on March 23, 2023 (SATURDAY) and shall be closed to the public. Thank you for your understanding," mababasa sa park advisory noong Marso 9, sa kanilang Facebook page.

National

PBBM admin, nagsisilbing ‘totoong kalamidad’ sa ‘Pinas – Maza

Naaliw naman ang mga netizen at kani-kaniyang hula kung sino ang nagpa-book at kung ano ang posibleng private event sa sikat na amusement park.

"Baka may shooting hahaha"

"yamanin naman yung ipapa-book buong Star City haha."

"YES PO TOTOO PO ITO SENSYA NA AYOKO NG MAY KASABAY SA RIDES."

"Yung pinabook mo buong Star City kasi ayaw mong may kasabay sa rides."

"Parang sa Secretary Kim na Korean drama hehe."

"I'm really sorry guys, sinabihan kasi akong poor nung kasama namin na nakapila sa rides and I'm so petty so on the spot ako nagpa-assist to book the whole amusement park."

"Sorry guys. Nagheheal kasi ako nang self ko. Maganda daw kasi sometimes you do things on your own kaya I decided to do solo rides. I've done solo traveling na kasi e. Don't worry one day lang naman to."

"Sorry for all, I already booked for this date. I want to celebrate my party. Charr."

"Sorry guys. Birthday ko kasi. Dyan ko gusto ganapin. Sorry po talaga."

"pasenya na guys, may date kasi kami ng boyfriend ko ayaw n'ya kasi ng maraming makakakita kung gaano s'ya ka sweet sakin."

Samantala, wala pang tugon o reaksiyon ang pamunuan ng Star City tungkol dito.