Ibinahagi ng talent manager na si Ogie Diaz ang kaniyang saloobin at payo sa kapwa niya mga talent manager na may napupusuang talent na dapat i-undergo muna sa psychiatric evaluation ang bata bago tanggapin.
"Isa-suggest ko sa mga talent manager ito: bago tumanggap o tanggapin ang napupusuang talent, dapat, ipa-undergo sa psychiatric evaluation ang bata."
"Kasi nga, ang mga teenagers ngayon, as in bata pa lang, meron nang mga mental health issues. Para din alam ng talent manager kung paano ia-address properly at iha-handle ang behaviour or attitude problem ng talent," paliwanag ni Ogie.
Idiin din niya na dapat nakalagay na lahat sa kontrata at dapat alam ng bawat isa ang kanilang mga desisyon para hindi umano magkabiglaan.
"Tapos, isama na sa kontrata yung kada project na gagawin, kailangan, papirmahin ang bata at magulang (kung minor pa ang kanilang anak) na tinanggap nila nang buong puso at excited silang gawin ito. Na alam nilang makakatulong ang project na 'yon sa ikauunlad ng kaniyang career na hindi nila alam kung paano patakbuhin, kaya kinuha ang expertise mo bilang manager," sey ni Ogie.
Dagdag pa niya, "Tapos, ilagay na din sa kontrata na “in the absence of the manager, the road manager will be there for the talent. And if the talent doesn’t want the presence of his road manager, his own personal assistant shall be present from start to finish for the scheduled work or commitment."
"Tapos lahat ng moves or desisyon ng bawat isa ay kailangan, hindi surprise para hindi nagkakabiglaan. Ipagpapaalam ng talent ang lahat ng moves niya na puwedeng makaapekto sa kanyang career para hindi nangyayari na mag-damage control ang manager sa kagagahan at kagaguhang ginawa ng talent."
Dahil pinutakte si Ogie ng mga negatibong komento matapos ang rebelasyon ng aktres sa isyung 'commision' na nakukuha niya sa dating Kapamilya actress na si Liza Soberano.
Binanggit na rin ni Ogie na hindi umano madali ang pagiging manager at nilinaw niyang hindi lang kubra nang kubra ng komisyon ang kanilang ginagawa, kung 'di para na rin silang pangalawang magulang.
Aniya, "Kaya ang akala ng iba, kubra lang nang kubra ng komisyon ang manager, pero hindi alam ng mga nagmamarunong kung gaano kahirap maging manager."
"Para kang nag-iri ng sanggol, hanggang paglaki niyan, sa'yo yan aasa. Ikaw ang takbuhan niyan pag me problema silang personal kahit di na sakop ng trabaho mo yon bilang manager," sey ni Ogie.