Pinananagot ng mga senador ang RDC Reield Marine Services Inc. sa pagkalat ng oil spill sa mga baybay-dagat ng bansa matapos lumubog ang MT Princess Empress nito sa Naujan, Oriental Mindoro.

Sa inisyal ng pagdinig ng Senate Committee on Environment, Natural Resources sa oil spill sa Mindoro nitong Martes, Marso 14, isiniwalat ng Maritime Industry Authority (MARINA) na nagkulang sa Certificate of Public Convenience (CPC) ang nasabing MT Princess Empress na siyang kinakailangan para makapag-operate ito.

BASAHIN: Lumubog na MT Princess Empress, walang permiso para maglayag – MARINA

Dahil sa nasabing kakulangan ng permit, sinabi ni Senador Cynthia Villar, namuno ng Senate environment panel, na hindi makukuha ng RDC ang US$1-bilyong insurance nito para sa nangyaring insidente.

National

PBBM, inanunsyong may nasawi sa Camarines Norte dahil kay ‘Pepito’: ‘That’s unfortunate!’

Binigyang-diin naman ni Senador Ramon “Bong” Revilla Jr. na hindi dapat ipasa ng RDC sa iba ang responsibilidad na linisin ang oil spill na sanhi ng paglubog ng kanilang tanker, bagkus ay sila umano ang dapat na maging responsable rito.

Saad pa ni Revilla, may pananagutan din umano ang mga namahala sa pag-inspeksyon at pagpapalayag dito.

“If during the inspection, we are already lacking, then it is as if we had meant for this to happen. Forgive me if I dare to say this. Those whose negligence caused the oil spill, should be held equally - if not more, liable. Those who are supposed to watch over and guard our waters, have more responsibility,” ani Revilla na sinang-ayunan din ni Villar.

Samantala, nang tanungin naman ni Senador Francis “Chiz” Escudero si Fritzee Tee, ang vice president ng RDC, napag-alamang siyam na beses nang nakapaglayag ang nasabing MT Princess Empress.

Ayon kay Tee, nag-apply sila ng amended CPC noong Nobyembre ng nakaraang taon.

Napag-alaman din ng mga senador na hindi nabigyan ng inamyendahang CPC ang MT Princess Empress dahil hindi nag-apply ang may-ari nito.