Magandang balita dahil mas higit pang mapapabilis ngayon ang mga transaksiyon sa Manila City Hall.
Ito’y matapos na lumagda si Manila Mayor Honey Lacuna ng isangmemorandum of agreement (MOA) para sa instalasyon ng libreng wifi sa city hall.
Ayon kay Lacuna, ilang kaibigan mula sa isang lungsod sa Korea ang nag-donate ng librengwifi, na magsisimula sa city hall.
Ang donasyon ay nakapaloob sa MOA na ginawa sa koordinasyon ng electronic data processing department (EDP), sa pamumuno ni Fortune Palileo at ng Manila Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO) sa ilalim ni Arnel Angeles na siyang dahilan para magkaroon ng kasunduan.
Pagkatapos ng city hall, sinabi ng alkalde na ang parehong grupo ng mga Koreano ay magkakabit din ng parehong libreng wifi sa dalawang kolehiyo na pinatatakbo ng lungsod, kabilang ang Universidad de Manila (UdM) at Pamantasan ng Lungsod Maynila (PLM).
Pinasalamatan rin ni Lacuna ang mga Koreano sa pamumuno ni Danny Seo ng Artbi Global Phil. Corp at Ifree Co. Ltd. na pinamumunuan ni chief executive officer ParkTae Kyu na ayon sa alkalde ay nag-donate sa lungsod ng 20 units ng 4G wifi routers na ilalagay sa mga tanggapan ngcity hall para sa mas mabilis na transaksyon.
Sinabi ng alkalde na kailangang-kailangan ito para sa mga revenue-generating offices sa City Hall tulad ng permits bureau at ng renewal section ng city treasurer’s office.
Ang anim na ospital na pinatatakbo ng lungsod ay kakabitan din ng libreng wifi, dagdag pa ni Lacuna.
“Malaki talaga ang nagagawa ng pagiging magaling na kaibigan.These Koreans are friends of MDRRMO Director Arnel Angeles,” anang alkalde.