Sa pag-arangkada ng Manila staging ng Rodgers and Hammerstein musical na “The Sound of Music,” litaw na litaw ang husay sa teatro ni “It’s Showtime” host Karylle Tatlonghari kung saan para sa marami ay lugar na dapat kalagyan ng aktres.

Ito ang mababasang reaksyon ng maraming netizens sa Instagram kasunod ng isang patikim na video ng theater acting and singing prowess si Karylle.

Ginagampanan ng aktres ang karakter ni Baroness Elsa von Schraeder base sa totoong buhay ng Trapp Family Singers na naging bakwit noong 1930 mula Austria.

Relasyon at Hiwalayan

Chloe punumpuno ang puso dahil kay Carlos, inurirat kung kailan papakasal

Sa ibinahaging Instagram sneak peek ng Palabas Tayo, effortless na ginampanan ni Karylle ang kaniyang karakter kalakip ng kaniyang outstanding visuals at singing prowess.

Kaniya-kaniya namang hirit ng papuri ang netizens para sa “It’s Showtime” host.

“Karylle you belong in the art of theatre 🎭 Congratulations! 👏” komento ng isang follower.

“Galing ni K!” segunda ng isa pa.

“I always believe that she is one of the underrated actress/artist in the industry. She deserves a good break cos u can rarely see a multifaceted person in the entertainment world. Good looks, brainy with superb acting and singing skills.”

Hirit ng isa pa: “So what da heck is she doing in Showtime? 🤔”

Dagdag na testimonya pa ang mababasa sa naturang IG post.

“OPM [original Pinoy Music] didn't give her lots of opportunities pero she's amazing in theater grabe opera voice love you K,” anang isa pang fan.

“Magaling na sya before pa sa kitchen musical,” pagtukoy ng isa pang netizen sa successful musical project din ng aktres noong 2011 kasama si Christian Bautista.

Matatandaang nauna nang pansamantalang namaalam si Karylle sa kaniyang “It’s Showtime” family kasunod ng lagareng staging ng kasalukuyang musical project.

Basahin: Karylle, babu muna sa ‘It’s Showtime’ – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Bilang bahagi ng kanilang international tour, itatanghal at masisilayan ang “The Sound of Music” sa bansa hanggang Marso 26.