Kaniya-kaniyang pag-react ang witty netizens sa anunsyo ng pansamantalang pagsasara sa publiko ng pasyalang Star City sa darating na Marso 25 para sa isang private event.

Viral ang anunsyo ng sikat na amusement park sa Pasay noong Marso 9.

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

Hindi naman nakalagpas sa netizens ang anunsyo na kanilang ginatungan ng nakakaaliw at witty reactions.

Kaniya-kaniyang emote ang netizens as if sila ang nag-book ng pasyalan.

“Sorry po need ko lang Me-time,🤣✌️” anang isang komento na umani ng nasa 855 laughing reactions.

“YES PO TOTOO PO ITO SENSYA NA AYOKO NG MAY KASABAY SA RIDES,🙄” segunda ng isa pa na tinawanan ng nasa 731 iba pang netizens.

Narito ang iba pang bentang-bentang gimik na komento ng netizens na good vibes ang hatid sa marami:

“I'm really sorry guys, sinabihan kasi akong poor nung kasama namin na nakapila sa rides and I'm so petty so on the spot ako nagpa-assist to book the whole amusement park.”

“I needed some alone time. Thank you for understanding.”

“Pasenya na guys, may date kasi kami ng boyfriend ko ayaw n'ya kasi ng maraming makakakita kung gaano s'ya ka sweet sakin.”

“Sorry talaga guys. Need lang for business meeting with the investors. Sina Dad kasi, sabi ko yung buong Palawan nalang arkilahin kaso malayo raw! 😔😔😔

Isa pang mahabang komento ang nadamay maging si Maria Clara at Ibarra star David Licauco.

“Sorry naboring ako kaya inupahan ko buong star city,” patuloy na hirit ng isa pa.

“Sorry guys. Nag heheal kasi ako nang self ko. Maganda daw kasi sometimes you do things on your own kaya I decided to do solo rides. I've done solo traveling na kasi e. Don't worry one day lang naman to.😌

Para sa maraming Korean drama fans naman, tila K-drama series ang peg ng pagsasara ng pasyalan.

Matatandaang patok na gimik ng mga Korean Oppa sa kinaadikang mga serye ang kanilang paandar sa amusement park.

“What in a kdrama is this?” kuwelang saad ng isa pa.

“Sorry, ‘di raw kasi komportable si Park Seo-jun!”

“Pasensya na 1 day lang naman may Group Study kasi kami nina Seungho, Matthew, Taesung and 99+ others.😇

Sa huli, pawang good vibes ang hatid lang ng post na sa ngayo’y tuloy-tuloy pa rin ang inaaning kuwelang reaksyon sa netizens.