Inanunsyo ng Maynilad ang nakatakdang water service interruption sa limang lugar sa Cavite mula ngayong Martes ng gabi, Marso 14 hanggang Marso 17 dahil sa napatagal na high water turbidity dala ng hanging amihan.

Ang mga konsyumer sa Molino II hanggang San Nicolas III sa Bacoor City at sa Pasong Buaya I at Pasong Buaya II sa Imus City ay mawawalan ng suplay ng tubig mula 9 p.m. hanggang 5 p.m.

Ang mga lugar sa Cavite City, Noveleta, at Rosario, sa kabilang banda, ay makakaranas din ng araw-araw na water service interruption simula alas-8 ng gabi hanggang 6 a.m. sa nasabing mga petsa.

Kabilang dito ang Barangay 1 hanggang Fort San Felipe at Sangley Point sa Cavite City, Barangay I hanggang Sta. Rosa II sa Noveleta, at Bagbag I sa Wawa III sa Rosario.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Hinihikayat ng Maynilad ang mga apektadong lugar na mag-imbak ng tubig para sa kanilang konsumo bago ang nakatakdang pagkaantala ng serbisyo ng tubig sa kanilang lugar.

Carla Bauto Deña