Nabagbag ang damdamin ng mga netizen sa isang dog owner na gagawin ang lahat, pati na ang paninilbihan sa bahay ng sinumang makapagtuturo kung nasaan na ang nawawalang alagang asong si "Aki."

Ayon sa viral Facebook post ni Noel Perez, isang public school teacher mula sa Brgy. Peñaranda, Legazpi City, Albay handa aniya siyang mangamuhan sa sinumang makapagtuturo sa kinaroroonan, o makapagsasauli sa kanila sa napaka-sweet at malambing na fur baby, na nawala noong Pebrero 27.

Wala aniya siyang pambayad sa pabuya o reward money, kaya serbisyo na lamang sa household chores ang kaniyang maibibigay.

"Wala man po akong pangreward money. Kung sino po makakita at makapagsabi kung nasaan sya. Handa po akong magsilbi sa inyo. Ako maghuhugas ng plato, magalilimis ng bahay, maglalalba o kahit anong household chores gagawin ko kapalit matagpuan ko lang ang baby dog namin," ani Noel kalakip pa nito ang kaniyang numero ng cellphone.

Human-Interest

Higanting coral, naispatan; mas malaki pa raw sa blue whale?

Nagpaunlak naman ng panayam ang guro sa Balita at isinalaysay kung paano nawala si Aki.

"Feb 27, around 7pm nakalimutan ni mommy (partner ko) i-lock ang gate nakalabas si Aki (Bicol word meaning anak) hindi po kasi s'ya nakatali malaya po s'ya sa bahay."

"Sobrang sakit sa kalooban kaya nag-post po ako. Nagkataon wala kami pera we are both public school teachers here in Legazpi City, Albay. Eh hindi naman po ako skilled worker kaya sinabi ko na handa akong magsilbi ng kahit anong household chores."

"Sa ngayon hindi pa rin nakikita si Aki. Everyday nagmo-motor kami ni Mommy dito sa Legazpi para hanapin s'ya. Ubod ng lambing si Aki at nauuna pa sa higaan kapag matutulog na gusto n'ya lagi sya katabi for four years."

Hangad ni Noel na maibalik at maiuwi na si Aki sa lalong madaling panahon.

Sa mga nagnanais na tumulong kay Noel sa paghahanap kay Aki, makipag-ugnayan lamang sa kaniyang Facebook account.

---

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa aming Facebook at Twitter!