Kabuuang 217 diabetic patients, na may katarata at glaucoma, ang pinagkalooban ng Department of Health (DOH) ng libreng operasyon sa La Union.

Ang glaucoma ay nagdudulot ng vision loss at pagkabulag sa pamamagitan nang pagsira sa optic nerve, na nasa likod ng mata habang ang katarata ay ang maulap na bahagi sa lente ng mata na nagdudulot ng pag-blurred ng paningin at habang tumatanda ang isang tao.

Sa isang kalatas nitong Lunes, nabatid na ang mga naturang pasyente ay ini-refer sa Ilocos Training and Regional Medical Center (ITRMC) para sa surgery matapos na maisailalim sa screening sa mobile diabetic retinopathy screening na isinagawa ng DOH-Ilocos Region sa iba’t ibang munisipalidad sa La Union kamakailan.

Nabatid na ang mga pasyente ay gagamutin alinsunod sa kanilang nakatakdang operasyon.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

“Both glaucoma and cataract can cause loss of sight and these diseases occur more commonly in people with diabetes. And the only treatment option for both is surgery,” ayon kay Assistant Regional Director (ARD) Rodolfo Antonio M. Albornoz, sa isinagawang second mobile diabetic retinopathy screening sa bayan ng Caba, sa La Union.

Kaugnay nito, pinuri rin naman ni Albornoz ang inisyatiba ng regional non-communicable disease unit at ng ophthalmology department ng Ilocos Training and Regional Medical Center.

“Napakagandang proyekto nito and I believe this is the first of its kind initiative in the country at napakalaking tulog nito sa mga pasyente natin na may diabetes dahil mapapangalaagan ang kanilang mga mata at mabibigyan sila ng libreng gamot at operasyon,” aniya.

Ang bagong talagang si ARD Albornoz ay isa ring advocate ng blindness prevention program ng DOH at isa sa mga proponents ng programa sa Vision 2020 – The Right to Sight noong panahon ng kanyang panunungkulan sa DOH central office.

Samantala, sinabi naman ni Regional Program Manager of Essential Non-Communicable Disease Francisco de Vera Jr. na ang mobile eye screening initiative ay naglalayong matiyak na maiiwasan ang pagkabulag sa mga diabetic patients, upang mapaganda ang kanilang bisyon at kalidad ng buhay.

“We are now on its second-year implementation, visiting identified municipalities with high prevalence of diabetes. Ang eye exam ang pinakamahalagang gawin ng isang pasyenteng may diabetes upang maprotektahan ang kanyang paningin. Napakaimpotante na huwag po tayong magpabaya sa pangngalaga nito,” ayon pa kay de Vera.