Guest sa "Fast Talk with Boy Abunda" ngayong Martes, Marso 14 ang dating ABS-CBN child star na si Kapuso actress Camille Prats, na matagal na panahon na ring nasa pangangalaga ng GMA Network.

Isa sa mga natanong ni Boy kay Camille ay kung feeling din ba niya ay nanakawan siya ng childhood o kabataan dahil sa maagang pagpasok sa showbiz. Natanong ito ni Boy matapos ang tumatak na pahayag ni dating Kapamilya actress Liza Soberano, na nasakripisyo nito ang kaniyang kabataan nang magtrabaho na bilang artista.

Kuwento ni Camille, 7 anyos pa lamang siya ay nagtatrabaho na siya bilang artista, sa children-oriented show na "Ang TV."

Tumatak naman si Camille bilang "Princess Sarah" sa pelikulang "Sarah ang Munting Prinsesa" ng Star Cinema. Ginawa niya ang pelikula noong siya ay 9 na anyos naman.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

Aminado si Camille na noon ay naririnig niya ito sa mga tao sa paligid niya. Pakiramdam daw nila ay "kawawa" si Camille dahi at very young age ay nagtatrabaho na siya, at parang "hindi normal" ang kaniyang childhood.

Pero honestly speaking daw, alam ni Camille na mayroon siyang unique childhood.

"But to be honest Tito Boy, I had a very unique childhood. And totoo 'yon, na hindi ko man naranasan kung ano ba yung 'normal' na childhood para sa karamihan, but I would like to think na 'yong buhay na ibinigay sa akin ng Diyos, is the life that He really wanted for me," sey ni Camille.

"Hindi siya kapareho ng iba, unique siya, but I had so much fun. I love what I was doing. Even up to know, I am so grateful that I'm still here in the business for 30 years."

Happy memories daw para sa kaniya ang mga proyektong ginawa niya noong bata pa siya, kaya hindi niya maituturing na ninakaw ang kaniyang kabataan dahil sa showbiz.

Tinitingnan daw ni Camille na nagkaroon siya ng "hands-on experience" noong bata pa siya kung paano magtrabaho na dadalhin niya sa kaniyang paglaki o pagtanda.

Ginusto raw niya ang pagpasok sa industriya noong bata pa siya kaya wala siyang pinagsisisihan.