Pumanaw na sa edad na 81 ang beteranong mamamahayag at dating dekano ng University of the Philippines College of Mass Communication (UP CMC) na si Luis V. Teodoro nitong Lunes, Marso 13.

Sa isang Facebook post, ipinahayag ng National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) ang pagkilala sa magagandang nagawa ni Teodoro lalo na sa larangan ng pamamahayag.

"Dean Teodoro, the staunchest advocate for the best in the profession and the most savage critic of its worst practices, has touched and inspired the lives of countless in our ranks and will continue to be a guide for journalists," saad ng NUJP.

"[He] had always stood up in defense of press freedom. Although he often refused to speak before big crowds, Dean Teodoro struggled with his stage fright and called for justice for the Ampatuan Massacre victims in one of our protest actions in Mendiola. His mere presence never failed to boost our morale," dagdag nito.

National

Pepito, kumikilos pa-northwest sa WPS; Signal #3, nakataas sa 3 lugar sa Luzon

Nagbigay rin umano ng inspirasyon si Teodoro sa alternatibong midya at naging instrumento pa ng pagkakatatag ng 'Altermidya' sa bansa.

Bukod dito, ayon sa NUJP, sinuportahan din ng batikang mamamahayag ang Graciano Lopez Jaena Fellowship para Community Journalism.

"He was always generous with his time and wisdom, never saying no to requests for training," pagbabalik-tanaw ng NUJP.

"The current and the future generations of journalists have been gifted by Dean Teodoro's lessons on journalism. We pledge to continue his legacy of wielding the pen in the service of the people," saad pa nito.

Samantala, nagpahayag din ng pagluluksa ang UP CMC sa pagpanaw ng kanilang dekano mula noong 1994 hanggang 2000.

"As educator, editor, and journalist, Dean Teodoro was pivotal in fostering academic excellence in our discipline, upholding integrity in the practice of media, and defending our freedoms of the press, speech, and assembly," saad ng UP CMC.

Inanunsyo rin ng kolehiyo na magkakaroon ng 'CMC Parangal' para kay Teodoro nitong Miyerkules, Marso 15, sa Loyola Chapels Commonwealth. Susundan umano ito ng isang misa sa dakong 6:00 ng gabi at maikling programa.

"Maraming salamat sa iyong paglingkod sa bayan. Mahal ka namin," saad ng UP CMC.