Arestado ang isang babae sa Pasay City dahil sa umano’y sex trafficking.

Sa isang pahayag, sinabi ng National Bureau of Investigation (NBI) nitong Martes, Marso 14, na inaresto si Wen Fangfang, isang Chinese national, na kinasuhan ng mga paglabag sa Anti-Trafficking in Persons Act of 2003.

Sinabi nito na ang International Operations Division (NBI-IOD) ng bureau ay sinamahan sa operasyon ng mga kinatawan ng Bureau of Immigration (BI) at ng Chinese Embassy sa Maynila.

Sinabi rin nito na ang NBI-IOD ay nagsagawa ng operasyon batay sa "isang impormasyong natanggap na isang grupo ng mga dayuhan ay sangkot sa mga aktibidad ng human trafficking sa ilang condominium units sa Pasay City sa pamamagitan ng paggamit ng internet."

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

“The group used the Telegram messaging app in posting pictures of ladies with corresponding price tags where clients, only foreigners, can choose and book them,” dagdag nito.

Matapos magsagawa ang NBI-IOD ng serye ng stakeout, casing operations, at internet surveillance, sinabi ng bureau na nagpatuloy ang mga ahente nito sa operasyon matapos “matukoy na ang operasyon ng mga Subject ay nangyari sa Towers 1 at 2 ng isang condominium sa Diosdado Macapagal Boulevard , Pasay City.”

Jeffrey Damicog