Apat na araw na magsususpinde ng operasyon ang Light Rail Transit Line 2 (LRT-2) sa Holy Week.

Sa abiso ng Light Rail Transit Authority (LRTA) nitong Lunes, nabatid na suspendido muna ang kanilang operasyon sa Huwebes Santo o Holy Thursday, Abril 6, hanggang sa Linggo ng Pagkabuhay o Easter Sunday, Abril 9.

Bilang pakikiisa ito sa paggunita ng Simbahang Katolika sa naturang banal na okasyon.

Samantala, sa Holy Wednesday o Miyerkules Santo, Abril 5, magpapatupad naman ang LRT-2 ng shortened operating schedule o pinaikling biyahe.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Anang LRTA, ang huling biyahe ng LRT-2 ay hanggang alas-7:00 ng gabi lamang mula sa ruta ng Recto Station at Antipolo Station.

Ipinaliwanag ni LRTA Administrator Atty. Hernando Cabrera na ang naturang four-day shutdown ay magkakaloob sa kanila ng sapat na pagkakataon upang makapagsagawa ng taunang maintenance sa kanilang mga tren, station facilities, at mga kagamitan, upang masiguro ang reliability at safety ng mga ito.

"We normally take advantage of the Holy Week to perform our yearly maintenance activities. With this, we appeal for understanding from the riding public and request that they plan their trip and take alternative transportation during this period," aniya pa.

Inaasahang magbabalik sa normal ang operasyon ng LRT-2, na siyang nagkokonekta sa Recto and Antipolo, sa Abril 10, 2023, araw ng Lunes.

Bukod sa LRT, suspendido rin ang operasyon ngMetro Rail Transit Line 3 (MRT-3) sa Mahal na Araw.

Sa abiso ng MRT-3, kanselado muna ang biyahe ng MRT-3 mula Huwebes Santo (Abril 6) hanggang sa Linggo ng Pagkabuhay (Abril 9).

Ito’y upang bigyang-daan ang taunang Holy Week maintenance activities ng rail line.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2023/03/13/operasyon-ng-mrt-3-suspendido-sa-mahal-na-araw/