Nasa 1,494 ang nasita ng mga tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa dry run ng implementasyon ng exclusive motorcycle lane sa Commonwealth Avenue sa Quezon City.

Sinabi ng MMDA, aabot sa 949 na riders at 545 na pribadong motorista ang binalaan ng MMDA na huwag nang umulit sa pagsisimula ng pagpapatupad ng sistema sa Marso 20.

Ang mga lalabag sa nasabing bagong polisiya ay pagmumultahin ng ₱500.

Ang exclusive motorcycle lane ay ipapatupad mula Elliptical Road hanggang Doña Carmen at vice versa upang mabawasan ang aksidenteng kinasasangkutan ng mga nagmomotorsiklo.

Metro

Marikina LGU: Ulat na dinukot ang 4 na menor de edad sa lungsod, fake news!