Isang endangered bird ang namataang palakad-lakad sa highway sa Cagayan De Oro City, na nahuli ng isang concerned citizen na nagngangalang "Teodulo Borden."

Ayon sa kaniyang Facebook post, nadakma niya sa gitna ng kalye ang isang "Brown Booby," isang malaking sea bird na itinuturing na endangered, sa Cagayan de Oro City kamakailan.

"Nadakpan nako ni katong niaging gabei sa highway mahadlok ko maligsan help us surrender this to DENR murag dili ni dani sa Pilipinas nga mananap," aniya sa kanilang lokal na wika sa CDO.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Dinala, inalagaan, at pinakain muna nila ang ibon bago dinala sa Department of Environment and Natural Resources o DENR.