Pinakukulong ng 40 taon si dating PO1 Jeffrey Perez kaugnay ng pamamaslang sa dalawang teenager na sinaCarl Anthony Arnaiz at Reynaldo "Kulot" De Guzman noong 2017.

Ito ay nang mapatunayan niNavotas Regional Trial Court Branch 287 Judge Romana Lindayag Del Rosario na nagkasala si Perez sa nasabing kaso.

Inatasan din ng korte si Perez na bayaran ang pamilya ni Arnaiz:₱90,000(actual damages);₱100,000(civil indemnity);₱100,000 (moral damages), at₱100,000 (exemplary damages).

Pinagbabayad din siya ng₱100,000civil indemnity;₱100,000 moral damages, at₱100,000 exemplary damages sa pamilya ni de Guzman.

Metro

QC gov’t, sinuspinde F2F classes hanggang SHS, gov’t work sa Jan. 13 dahil sa rally ng INC

Matatandaang napatay umano ng mga tauhan ng Caloocan Police Station si Arnaiz matapos umanong holdapin ang isang taxi-driver noong Agosto 1980, 2017.

Natagpuan namang patay si de Guzman na may 30 saksak ng patalim sa Gapan, Nueva Ecija noong Setyembre 6, 2017.