"I am proud to say na hindi nakakakahiya maging madiskarte kesa mag inarte."

Isang working student at single mom ang nagbigay- inspirasyon sa marami nang ibinahagi niya ang kaniyang mga karanasan patungo sa tagumpay.

Isang netizen na nagngangalang Bonita Camz Dilag ang nagbahagi ng kaniyang kwento sa Facebook kung saan hinarap niya ang iba't ibang hamon sa buhay mula sa pagiging ina hanggang sa pagtatrabaho.

Gayunpaman, hindi siya nawalan ng pag-asa na balang araw ay makakamit din niya ang kaniyang ninanais na pagtatapos.

ALAMIN: Ano nga ba ang EBET Law na pinirmahan ni PBBM

Kuwento ni Bonita na tatlong taon na siyang single mom at may mga pinagdaanan siyang pagsubok sa kaniyang buhay na nagpatibay sa kaniya. Dahil dito, ginawa niyang inspirasyon ang kaniyang mga naging paghihirappara sa ikauunlad ng sarili.

“Single Mom din ako for 3yrs. minsan ang pinakamasakit na pangyayari sa buhay natin ang nagpapalakas sa atin. Grabe yung trauma at hirap na naranasan pero ginawa ko yung motivation para mas maging better version of me,” aniya sa post.

"Dumating din ako sa point na halos wala akong tulog, papasok ng walang tulog uuwi ng buo ang tulog nakaipon na ata ikaw ng Album ko na tulog sa room.Palaging late dahil sa hirap ng byahe, pagod at puyat. Pero atleast lahat ng yun ay nag bunga.

“I am a proud service crew of Mcdonalds and Jollibee Tagaytay estudyante sa umaga service crew naman sa hapon hanggang gabi minsan straight duty gang Graveyard (GY) Wala eh kailangan pangbaon at panggatas ng anak.

Ibinahagi rin niya na isa siyang proud service crew sa ilang kilalang fast-food chain sa Tagaytay mula umaga, minsan ay straight duty hanggang graveyard shift. Pinasok rin niya ang pagiging online seller sa ukay-ukay at nagtitinda sa school para sa extra income.

"Minsan tindera ng samo't saring gamit at pagkain, isa din pala akong Online seller mapa ukay-ukay , meryenda at mga aso at pusa at syempre nagtitinda din sa school syempre extra income need natin maging risk taker mga ka momshy.”

Sobra naman ang kaniyang pasasalamat sa mga taong walang sawang sumuporta sa kaniya. "Super blessed ko lang dahil sobrang babaet ng mga Professors ko, mabait din lahat ng kaklase ko dahil everytime na late ako at absent ako ang dali nilang lapitan.

Narito ang kaniyang mensahe sa mga single moms, working students at sa may edad na pangarap pa rin makapagtapos, "It's not too late to start again. Hindi basehan ang pagkakaanak para maging limitado ang iyong pangarap. Hindi basehan bad experience sa buhay para idefine kung ano ka. Believe in yourself madami ka pang pwedeng magawa at marating don’t settle sa words na, "Hanggang dito lang ako kase may anak na ako”

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa aming Facebook at Twitter!