Isang mananaya na taga-Davao del Sur ang nanalo ng halos ₱30 milyon sa Grand Lotto 6/55 draw nitong Sabado ng gabi.

Nahulaan ng nasabing mananaya ang winning combination na 45-29-12-03-26-51 na may katumbas na premyong ₱29.700,000.

Sa pahayag ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), ang ticket ay nabili sa Davao City, Davao del Sur.

Pito naman ang nanalo ng tig-₱100,000 matapos mahulaan ang lima sa anim na winning digits sa naturang draw.

Probinsya

69-anyos senior citizen, timbog sa iligal na droga

Kakaltasan ng 20 porsyento ang nabanggit na premyo alinsunod na rin sa ipinatutupad na Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) law.

Binobola ang Grand Lotto 6/55 tuwing Lunes, Miyerkules at Sabado, ayon pa sa PCSO.

Philippine News Agency