Kinoronahan bilang Miss International Queen Philippines 2023 ang social media personality na si Lars Pacheco, matapos matalbugan nito ang 24 pang kandidata mula sa iba't ibang lugar na naglaban-laban para sa korona.
Ito ang huling katanungan sa mga kandidatang pasok sa Top 5: "What do you believe is the real essence of the Miss International Queen Philippines crown?"
"I believed that all of us here wanted to [be] Miss International Queen Philippines, but what separates me is, I'm not here just to be a queen, I am here to be a leader. I want to lead my community, wherein, after [getting] the crown, I will still work with the organization, and as their leader, I [will] continue to fight for equality that I know in the end, all of us will be victorious," panalong sagot ni Lars.
Ang pambato naman mula sa Caloocan City na si Michelle Bermudez ang nagwagi bilang 1st runner-up at pumapangalawa naman si Barbie Alawi mula sa Zamboanga City.
Ang dating 1st runner-up sa MIQ Philippines 2022 naman na si Anne Patricia Lorenzo ang kinoronahang 3rd runner-up at 4th runner-up naman si Tamira Ivonne Willis.
Matatandaang, ikinuwento ni Lars na noong sumali siya ng Miss International Queen Philippines 2022, nawala siya sa pokus dahil sa mga nabasa niyang komento mula sa basher. Ngayon, natutunan na umano ni Lars na i-adapt, iwasan, at hindi na pakinggan ang anumang pangbabash galing sa netizens.
Si Lars ang pambato ng Pilipinas sa Miss International Queen 2023 na gaganapin sa Thailand sa darating na Hunyo. Unang tumatak ang pangalan ni Lars sa season 1 ng Miss Q and A at nagwagi bilang 2nd runner-up.