Inayudahan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang isang overseas Filipino worker (OFW) na ina ng apat na menor de edad na pinatay ng kanyang live-in partner sa Trece Martires City, Cavite kamakailan.

Bago pa binigyan ng ₱40,000 na financial assistance, isinailalim muna sa psychological first aid si Virginia dela Peña, taga-Barangay Cabuco, Trece Martires City, ayon sa DSWD Field Office IV-A.

"‘Yan ay para makatulong sa mabigat niyang nararamdaman dulot ng trauma sa pangyayari," ayon sa DSWD.

Kaagad na umuwi sa bansa si dela Peña matapos mabalitaan ang insidente.

Probinsya

Bangkay ng isang lalaki natagpuang lumulutang sa ilog

Bukod sa DSWD, naghatid na rin ng tulong sa pamilya ang Trece Martires City government at Taysan, Batangas, gayundin ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).

Si dela Peña ay nasa Saudi Arabia nang patayin ang kanyang apat na anak nitong Marso 9.

Sinabi ng pulisya, matapos ang pamamaslang, nagpakamatay din umano ang suspek na si Felimon Galisangga Escalona, 38, tricycle driver.