Nag-aabang na sa Tactical Operations Group 2 (TOG 2) headquarters ng Philippine Air Force (PAF) sa Cauayan, Isabela ang mga pamilya ng anim na nasawi sa pagbagsak ng Cessna plane sa Divilacan noong Enero.

Ito ay dahil sa inaasahang pagdating ng bangkay ng anim nilang kaanak sa Lunes, Marso 13, mula sa Divilacan sakay ng helicopter ng PAF.

Kabilang sa anim ang pilotong si Capt. Eleazar Mark Joven, at limang pasaherong sina Tommy Manday, Val Kamatoy, Mark Eiron Seguerra, Xam Seguerra, at Josefa Perla España.

Nitong Sabado ng hapon, naibaba ang anim na bangkay mula sa kagubatang sakop ng Barangay Ditarum, Divilacan na bahagi naman ng Sierra Madre Mountain range na pinangyarihan ng insidente.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Dakong 1:50 ng hapon, dumating naman sa TOG 2 headquarters si Isabela Governor Rodito Albano III at nakiramay sa mga pamilya ng anim na biktima ng insidente.

Matatandaan naiulat na nawawala ang eroplano matapos mag-takeoff sa Cauayan City airport patungong Maconacon nitong Enero 24 dakong 2:15 ng hapon.