May kabuuang 156 na bagong kaso ng Covid-19 ang natukoy sa buong bansa, anang Department of Health (DOH).

Mayroong 9,117 katao sa Pilipinas na nakikipaglaban pa rin sa Covid-19, tulad ng ipinakita sa pinakabagong DOH Covid-19 tracker.

Sa nakalipas na 14 na araw, ang Metro Manila ang may pinakamataas na bilang ng mga bagong kaso na may 463.

Sinundan ito ng Davao na may 253, Calabarzon na may 200, Soccsksargen na may 163, at Northern Mindanao na may 110, sinabi ng DOH.

Libreng toll fee sa NLEX,SCTEX at iba pang expressway, ipatutupad sa Pasko at Bagong Taon

Nasa 16 percent ang hospital bed occupancy rate ng bansa noong Sabado, Marso 11. Sinabi ng DOH na 3,929 hospital beds ang kasalukuyang okupado, habang 20,577 ang bakante.

Nasa 4,077,904 ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng Covid-19 sa Pilipinas, kabilang ang 4,002,577 nakarekober at 66,210 na nasawi.

Analou de Vera