Nangako si Baguio lone district Rep. Mark Go na magpapaabot siya ng tulong sa mga naapektuhan ng nangyaring sunog sa Baguio City Public Market nitong Sabado, Marso 11.

Sa kaniyang Facebook post nitong Linggo, Marso 12, ibinhagi niyang mahigit 1,600 indibidwal ang nabiktima ng sinog.

"Sobrang bigat at lungkot ang aking nadarama sa pagkasunog ng ating Public Market Block 3 at 4. More than 1,600 ang kababayan nating nasunugan," ani Go.

Personal na nagpunta ang mambabatas sa pinangyarihan ng sunog.

Probinsya

Pugot na bangkay ng isang lalaki, natagpuang palutang-lutang sa ilog

"Tutulungan natin financially ang mga nasunugan sa lalung madaling panahon. And thank you to all our fire responders," saad pa ni Go.

Naiulat na nagsimula ang sunog sa public market dakong 11:00 ng gabi nitong Sabado. Naideklara naman ang "fire out" bandang 4:38 ng madaling araw nitong Linggo.

BASAHIN: Public market sa Baguio, tinupok ng apoy