Tinapos ni Carlos "Caloy" Yulo ang kaniyang kampanya sa FIG Artistic Gymnastics World Cup Series na ginanap sa Baku, Azerbaijan na may double gold finish.

BASAHIN: Carlos Yulo, humablot ng gold medal sa Baku World Cup

Ito ay matapos humablot ni Caloy ng bagong gold medal sa vault final. Mula sa isang panalo sa parallel bars noong Sabado, nag-average si Yulo ng 14.933 pagkatapos ng dalawang pagtatangka—ang una ay isang handspring double front pike na 15.033 at ang kaniyang pangalawang vault na nakakuha ng 14.833.

National

OFW sa Middle East, panalo ng ₱37M sa Super Lotto

https://twitter.com/gymnastics/status/1634841464655032322?s=20

Sumabit naman si Harry Hepworth ng Great Britain sa ikalawang puwesto at inangkin ni Wai Hung Shek ng Hong Kong ang bronze sa kompetisyon.

Sa kabuuan, mayroon siyang tatlong ginto, isang pilak, at dalawang tanso sa katatapos lamang na World Cup Series na ito.

Muli namang maghahanda ang gymnast para sa kaniyang four-leg series na gaganapin sa Cairo, Egypt mula Abril 27 hanggang Abril 30.