Bata pa lamang nang mawala sa mundong ibabaw ang mga magulang ni Kapuso actress Bianca Umali, kaya hindi niya alam ang bigat ng kaniyang sitwasyon noon, pag-amin niya sa naging panayam sa kaniya sa "Fast Talk with Boy Abunda."

Dati raw, takot si Bianca kapag napag-uusapan o nababanggit ang kamatayan. Pero sa pagdaan ng panahon, hindi na aniya siya natatakot dito.

“I used to be afraid of death. But now thinking of it that you asked me, I think it’s not scary for me to die, kasi makikita ko sila ulit. I know that they will be with me holding my hand when I go through it,” aniya sa King of Talk.

Limang taon pa lamang si Bianca nang mamatay sa cancer ang ina at lumipas naman ang limang taon, inatake sa puso ang ama.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

“Noong bata po kasi ako, wala pa naman po akong naiintindihan, so I did not know the gravity ng sitwasyon kung nasaan ako na I was losing both of my parents. Ngayon na tumatanda ako, habang lumilinaw ang pag-iisip ko at nakikita ko ang reyalidad ng mundo, every year that I get old, mas nagiging raw or fresh sa akin na wala akong mommy at daddy."

Sana raw ay ipinagmamalaki siya ngayon ng mga magulang, kung nakikita siya ng mga ito kung nasaan man sila naroroon.

"Mommy and daddy, alam ko na araw-araw nakikita n'yo ako, alam ko na hindi ako perpektong anak all the time but I try my best. I hope I make you proud. Lahat ng ginagawa ko ngayon ay para sa inyo, para sa Ama at para kay mama. I dedicate everything to them."