Hindi na mawawala at karaniwan nang kasangkapan sa bahay ang mga aparador o kabinet. Iba-iba ang laki, iba-iba ang lapad, iba-ibang mga inilalagay sa loob nito. Ngunit ang pinakatipikal, ito ay lalagyanan ng mga damit, bag, at iba pang mga personal na abubot.

Sa pagdaan ng panahon, iba-iba na rin ang kulay at hitsura nito. May ibang yari sa plastik at may ibang built-in o pasadya. May gawa rin sa kahoy o tabla.

Kaya naman, patuloy na kinaaaliwan ng mga netizen ang throwback photo na inupload ng isang netizen sa Facebook page na "Batang Pinoy - Ngayon at Noon," tampok ang isang lumang aparador na may salamin.

"Nagkaroon din ba kayo ng ganitong aparador?" tanong ng netizen na nagbahagi nito.

National

Ofel, mas humina pa habang nasa vicinity ng Gonzaga, Cagayan

Larawan mula sa FB page na Batang Pinoy - Ngayon at Noon via Definitely Filipino

Natawa naman ang mga netizen dahil ang mga ganitong uri ng lumang aparador na may salamin ay madalas na kinatatakutan at ginagamit sa horror movies.

"Meron po hanggang ngayon ginagamit pa ng mamako at mga kapatid ko minana pa sa lolo ng lolo ko…"

"Medyo nakakatakot lang yung mga ganyang aparador, parang may mumu o halimaw sa loob hahahaha."

"Meron din po ako niyan minana ko sa tatay 1950s puro gawa sa narra 4 na tao ang bumuhat nung inilipat sa bahay ko."

"Ganito aparador namen tapos merong secret drawers to at nakakatakot mga nakita ko dito, lumang rosario, mga telang pula, at agimat ata ng lolo ko na puti na nilalagay sa ilalim ng dila. meron rin mga booklet na latin ang sulat."

Isang netizen pa nga ang pabirong nagbenta ng lumang aparador sa Twitter.

"FOR SALE LUMANG APARADOR Issue: May umiiyak sa loob."

https://twitter.com/goborjRN/status/1363826407659302912

Ikaw, ibida mo naman ang inyong aparador!