Dadalhin sa Cauayan City, Isabela ang bangkay ng anim na biktima ng pagbagsak ng Cessna plane sa Divilacan sa nasabing lalawigan nitong Enero 24.

Sa panayam sa radyo, ipinaliwanag ni Isabela Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office chief Constante Foronda, Jr., isinakay na sa truck ang tatlo sa anim na bangkay patungong Divilacan proper nitong Linggo.

Puntirya nilang mailipad sa Cauayan airport ang tatlo sa mga bangkay sa Lunes, Marso 13, sa tulong na rin ng helicopter ng Northern Luzon Command ng Armed Forces of the Philippines.

Aniya, isusunod nilang ipadala ang tatlo pa sa anim na bangkay sa lalong madaling panahon.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Nahihirapan aniya sa pagbaba ang retrieval team mula sa pinagbagsakan ng eroplano sa kagubatang bahagi ng Barangay Ditarum, Divilacan dahil sa panganib ng lugar at sama ng panahon.

Matatandaang nawawala ang nasabing eroplano matapos mag-takeoff sa Cauayan airport noong Enero 24 dakong 2:15 ng hapon.