Isang masuwerteng taya ang nanalo ng jackpot prize para sa Grand Lotto 6/55 na nagkakahalaga ng P29,700,000 sa evening draw ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Sabado, Marso 11.

Ang winning combination ay 45 - 29 - 12 - 03 - 26 - 51.

Pitong manlalaro din ang nakakuha ng ikalawang gantimpala na nagkakahalaga ng P100,000 at 662 na taya ang nakakuha ng ikatlong gantimpala na nagkakahalaga ng P1,500.

Ang jackpot nito ay nauna nang napanalunan ng isang mananaya mula sa Novaliches, Quezon City noong Pebrero 27 na nag-uwi ng P75.2 milyon.

Eleksyon

COC Filing Day 5: Mga naghain ng kandidatura ngayong Oktubre 5

Ang Grand Lotto ay binobola tuwing Lunes, Miyerkules, at Sabado sa alas-9 ng gabi.

Nag-abiso naman ang PCSO na hindi natamaan ang jackpot para sa Lotto 6/42 sa parehong draw.

Ang tamang digit ay 03 - 09 - 12 - 33 - 22 - 18 para sa jackpot na nagkakahalaga ng P5,940,000.

Animnapu't limang bettors ang nanalo ng ikalawang premyo na nagkakahalaga ng P24,000 at 2,450 na manlalaro ang nakakuha ng ikatlong premyo na nagkakahalaga ng P800.

Ang Lotto 6/42 ay binobola tuwing Martes, Huwebes, at Sabado sa alas-9 ng gabi.

Luisa Kabato