Kaway-kaway mga batang 70s hanggang 80s!

Alam mo bang bago pa sumikat ang mga karaoke, videoke, at maging ang patok na "Spotify" ngayon, ang una munang kinahumalingan ng mga Pinoy ay ang "jukebox?"

Ayon sa ulat ng Facebook page na "Definitely Filipino," sa presyong 25 sentimo ay makapagpapatugtog ang sinuman ng awit at musikang maiibigan, basta’t nasa selection ng jukebox. Madalas daw, ang mga coin-operated music machine na ito ay matatagpuan sa restaurants, disco, beer gardens, at cabarets.

Human-Interest

Mag-asawang hindi nakapagtapos ng pag-aaral, pinagtapos naman ang 9 na anak!

Larawan mula sa Pinterest

Iyan din ang binalik-tanawan ng mga netizen na kasapi ng page na "Nostalgia Philippines." Ibinahagi kasi ng isang netizen na si "Senaur Leoj" ang throwback photo ng isang jukebox.

"Parang kailan lang..eto ay atin din naging libangan at talagang kinaaliwan…" aniya sa post.

"ISA KA RIN BA KA-NOSTALGIA ANG NAGING HILIG AY MAGHULOG NG BARYA UPANG MAGPATUGTOG NG PABORITONG MONG KANTA?"

Screengrab mula sa FB ni Senaur Leoj via Nostalgia Philippines/Definitely Filipino

Screengrab mula sa FB ni Senaur Leoj via Nostalgia Philippines/Definitely Filipino

At siyempre, marami naman sa mga netizen ang nagbigay ng kani-kanilang mga patotoo tungkol dito.

"Siyempre mga favorite nating banda Bee Gees pinindot ko maya-maya biglang tumunog happy birthday😁😁😂 nakakahiya sabay layas. Nag-eerror na lalo pag walang maintenance."

"Jukebox, 25 centavos per song, early 80s. Kakatuwa hehehe."

"My Way. Daming nagkakamatayan sa kantang My Way. Agawan ng mikropono ng mga lasing."

"Yes, I’m one of them during our era. Most restaurants and beer houses have this juke box to attract customers to dine and drink in their establishment.”

Samantala, kapag sinabing jukebox, agad-agad na papasok sa isipan ng lahat ang OPM singers na sina Eva Eugenio, Claire De La Fuente, Imelda Papin, Amapola, Leah Navarro, Didith Reyes, Victor Wood, Eddie Peregrina, at maging mga international singers gaya ng Bee Gees, Tom Jones, Engelbert Humperdinck, Perry Como, at marami pang iba.

Samantala, isang estudyante ng De La Salle University ang ginawa pang thesis ito noong 2009. May pamagat itong "Mga reyna ng jukebox: Isang maikling kasaysayan ng mga jukebox hits at sa mga mang-aawit nito."

"Sa risert na ito, tinalakay ang panahon ng Jukebox kung saan sinuri ang tatlong Reyna ng Jukebox na sina Eva Eugenio, Claire De La Fuente, at Imelda Papin at ang kanilang signature songs na 'Tukso', 'Sayang', at 'Bakit'. Hinangad ng tesis na ito masagot kung bakit nanatili sa kamalayan ng mga tao noong dekada 70 hanggang sa kasalukuyan ang mga signature songs ng binanggit na mang-aawit," saad sa abstrak nito.