Tumaas na ang presyo ng karneng baboy sa Zamboanga City kasunod na rin ng paglaganap ng African swine fever (ASF).
Ipinaliwanag ni Zamboanga City veterinarian Dr. Mario Arriola, umabot na sa₱350 ang presyo nito kada kio, mataas kumpara sa dating₱270 nitong nakaraang buwan.
“A considerable number of hog raisers, including backyard raisers, have stopped raising pigs because of the ASF threat,” katwiran ni Arriola.
Sinabi ni Arriola, nasa 30 hanggang 40 porsyento ng demand nito sa merkado ay mula sa mga nag-aalaga ng baboy sa lungsod habang ang natitirang 60 porsyento ay mula sa mga karatig-probinsya.
Sa ngayon aniya, umabot na wa 4,655 ang namatay na baboy sa siyudad bunsod na rin ng African swine fever.
Philippine News Agency