Nakatakdang magkaloob ang Pilipinas ng tinatayang $200,000 donasyon sa Syrian Arab Republic matapos yanigin ng magnitude 7.8 na lindol ang naturang bansa at Turkey noong Pebrero 6 na kumitil ng mahigit 55,000 indibidwal.

Sa Facebook post ng Presidential Communications (PCO) nitong Biyernes, Marso 10, ibinahagi nito na bukod sa $200,000 donasyon, magbibigay rin ang bansa ng in-kind relief assistance sa Syria.

Ipagkakaloob umano ang mga nasabing tulong sa pamamagitan ng Department of Foreign Affairs (DFA).

Binanggit din ng PCO sa naturang post na kamakailan lamang ay tumulong din ang Pilipinas sa Turkey sa pamamagitan ng pagpapadala roon ng 82 miyembro ng Philippine Inter-Agency Humanitarian Contingent (PIAHC) para umalalay sa rescue operations sa mga lugar na pinakanasalanta ng lindol.

National

Romina, patuloy na kumikilos pahilaga; hindi na nakaaapekto sa Kalayaan Islands

BASAHIN: PH response team, nagsimula na ng rescue mission sa Turkey

Nakapag-assist umano ang PIAHC ng mahigit 1,000 mga pasyente, nakapag-rescue ng sampung survivors at nakakuha ng mahigit 100 labi ng mga biktima mula sa 36 gumuhong gusali bago sila umuwi ng bansa noong Pebrero 28 matapos ang kanilang misyon doon.

BASAHIN: PH rescue team sa Turkey, uuwi na bukas!

Ayon din sa PCO, nakapagkaloob din ang bansa sa Turkey ng donasyon na 11,205 blankets, 5,000 bonnets, at 420 pares ng gloves.