Nagpapatulong nasa Estados Unidos ang Philippine Coast Guard (PCG) sa kanilang paglilinis sa oil spill sa karagatang sakop ng Oriental Mindoro.

"Kung ano ang tulong na ibibigay nila, response equipment and everything. Kung ano ang sa aabot ng kanilang kakayahan na maibibigay sa atin. They know it kung ano ang ating kailangan sa panahon na ito," pahayag ni PCG Commandant Admiral Artemio Abu sa isinagawang pagpupulong sa Quezon City nitong Sabado.

"Theyhavemore experience and knowledge in this issue. It's just a matter of making known to them that we areasking assistancefrom them," aniya.

Aniya, marami na ring bansa ang nag-aalok ng kanilang serbisyo upang tumulong sa paglilinis sa karagatang napinsala ng pagtagas ng langis.

Probinsya

Bagong lisensyadong guro, patay matapos pagbabarilin sa Cotabato

Nangangailangan aniya ang PCG ng maraming remote-operated vehicle upang matunton ang lumubog na oil tanker.

Bukod sa Oriental Mindoro, apektado rin ng oil spill ang Caluya, Antique at Agutaya sa Palawan.

Matatandaang lumubog ang MT Princess Empress na may kargang 800,000 litrong industrial fuel oil sa Naujan, Oriental Mindoro nitong Pebrero 28 habang naglalayag mula Bataan patungong Iloilo.