Ibinida at ininspeksyon ni Navotas City Mayor John Reynald “Johh Rey” Tiangco nitong Sabado, Marso 11, ang pagpapatayo ng bagong college building ng Navotas Polytechnic College (NPC) sa Barangay North Bay Boulevard South (NBBS) Kaunlaran, Navotas City.

Ang bagong apat na palapag na gusali ay isang construction project na sinimulan ni dating Navotas City Mayor Tobias "Toby" Tiangco noong 2021 bilang bahagi ng NPC renovation program.

Mayroon itong 28 silid-aralan, siyam na laboratoryo, isang silid-aklatan, isang gym, study areas, mga medikal at dental na klinika, isang elevator, isang roof deck, isang canteen, at outdoor sports and activity spaces.

Sinabi ni Mayor Tiangco na kinonsulta na niya ang Department of Education (DepEd) hinggil sa tamang sukat at kapasidad ng bawat pasilidad sa gusali upang matiyak na ang lahat ng estudyante ng NPC ay matutustusan.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Aniya, tumulong sina Senators Bong Go at Chiz Escudero sa pondo ng lokal na pamahalaan sa construction project.

"Aral lang po tayo at kagaya ng sinasabi natin, mapabuti natin ang edukasyon at syempre libre pong mag-aral dito sa Navotas Polytechnic College," dagdag ng alkalde.

Ang NPC ay itinayo noong 1994 na may 12 miyembro lamang ng faculty. Nagpasya ang pamahalaang lungsod na i-renovate at palawakin ang gusali matapos mapansin ang dumaraming bilang ng mga enrollees.

"Sa pagpapaayos ng ating kolehiyo, hangad natin na maging mas maganda ang overall school experience ng ating mga estudyante at guro, at mas mapataas ang kalidad ng edukasyong ating naibibigay sa kabataang Navoteño," anang lokal na pamahalaan.

Layunin ng pamahalaang lungsod na makumpleto ang bagong gusali sa kolehiyo ngayong taon.

Diann Ivy Calucin