Kakatawanin ni Lars Pacheco ang bansa sa pandaigdigan patimpalak matapos siya koronahan bilang Miss International Queen 2023.
Ang coronation night ay ginanap sa Aliw Theater, Pasay City ngayong gabi, March 11, kung saan 25 kandidata ang naglaban-laban para sa korona.
Itinanghal namang 1st runner-up si Michelle Bermudez; si Barbie Alawi bilang 2nd runner-up; Anne Patricia Lorenzo bilang 3rd runner-up; at Tamira Willis bilang 4th runner-up.
Ang Miss International Queen ay ang pinakamalaking beauty pageant sa mundo para sa mga babaeng transgender.
Matinding paghahanda ang gagawin ni Lars upang makapag-back-to-back sa international pageant matapos manalo ng representative ng Pilipinas na si Fuschia Anne Ravena nakaraang taon.
Sa loob ng 16 na edisyon ng kompetition, nakapag-uwi ang Pilipinas ng tatlong korona mula kanila Ravena (2022), Trixie Maristela (2015), at Kevin Balot (2012).