Hindi na pinalampas ni Kapamilya singer Angeline Quinto at nilinaw na ang mga kumakalat na social media accounts na kung magpanggap na siya ay wagas-wagas.
Sey na niya, wala siyang ibang mga account kagaya ng mga naglipana sa comment ng kaniyang vlogs, maliban na lang sa mga opisyal niyang social media platforms.
“Gusto ko lang linawin na isa lamang po ang aking YouTube channel (Love Aneline Quinto) at WALA po kaming ginagamiy na ibang social media platforms tulad ng Telegram para mag-contact ng mg aka-Twinkle,” maagap na babala ni Angeline sa kaniyang masugid na YouTube subscribers.
Dagdag niya, dapat mag-ingat ang lahat sa mga mambubudol online na kadalasa’y naghahasik ng masamang intensyin sa mga comment section.
“Maging maingat sa pagre-reply sa mga comments at at messages na maaaring maging scam o galing sa mga phishing account. Keep safe, everyone.”
Tampok sa mga content ni Angeline ang daily vlogs, ilang biyahe sa loob at labas ng bansa, life updates, bukod sa iba pa.
Kasalukuyang nasa mahigit 1.4 million ang subscribers ng singer sa kaniyang YouTube na tumabo naman ng mahigit 87 million lifetime views sa pag-uulat.
Dahil sa lawak ng online community, hindi na rin ito naging ligtas sa mga manloloko na kadalasa’y ginagamit ang mga sikat na personalidad para sa mga pansariling interes.