Nakarating na sa Pilipinas nitong Biyernes, Marso 10, ang Japan Disaster Relief (JDR) Expert Team na tutulong umano sa pagresponde sa kumakalat na oil spill mula sa lumubog na MT PRINCESS EMPRESS sa baybay-dagat ng Naujan, Oriental Mindoro, noong Pebrero 28.

Sinalubong ng Philippine Coast Guard (PCG) ang JDR Expert Team sa National Headquarters, Port Area, Manila, kahapon.

Ayon sa PCG, ang nasabing JDR Expert Team, na pinangunahan umano ni Daisuke Nihei, minister ng Economic Affairs of the Embassy of Japan in the Philippines, ay binubuo ng walong miyembro, kung saan lima rito ang mula sa Japan Coast Guard (JCG), dalawa ang mula sa Embassy of Japan in the Philippines, at isa naman ang mula sa Japan International Cooperation Agency (JICA).

“During their visit to the PCG, they committed to helping the PCG in the ongoing oil spill response operations after MT PRINCESS EMPRESS with 800,000 liters of industrial fuel oil submerged in the vicinity waters off Naujan, Oriental Mindoro,” anang PCG.

National

VP Sara, may binilinan na raw: ‘Kapag pinatay ako, patayin mo si PBBM, FL Liza, Romualdez!’

Susuportahan daw ng nasabing Japanese experts ang paglilinis ng mga baybayin na apektado ng oil spill at imbestigasyon sa pinsala nito.

Magkakaloob din umano ang Japanese Government ng mga kagamitang makatutulong sa paglilinis ng mga apektadong baybayin.

Kahapon lamang ay kinumpirma ng PCG na umabot na sa Palawan ang nasabing oil spill.

BASAHIN: Oil spill mula sa Oriental Mindoro, umabot na sa Palawan – PCG

Sa isang pahayag ng Ambassador of Japan in the Philippines na si Kazuhiko Koshikawa, ang nasabing pagtulong ng Japan sa Pilipinas ay bunsod umano ng magandang relasyon ng dalawang bansa pagdating sa “humanitarian grounds” at “marine environment protection”.