Binigyang-diin ng Gabriela Women’s Party na dapat maglabas ang administrasyong Marcos ng official apology sa ‘Filipino comfort women’ na naging biktima ng pang-aabuso ng mga Hapon noong World War II matapos ilabas ng United Nations women rights committee ang desisyong nilabag ng Pilipinas ang kanilng karapatan.

BASAHIN: PH, nilabag ang mga karapatan ng Pinoy ‘comfort women’ – UN committee

“An official apology from the Marcos Jr. administration should be in order,” pahayag ng Gabriela nitong Biyernes, Marso 10. “Full retroactive compensation and assistance for Filipino comfort women should also be ensured, inasmuch as Filipino male WWII veterans have been receiving indemnity, death pensions, and other benefits for years.”

Binanggit din ng Gabriela na nabigo nga ang gobyerno na tulungan ang Malaya Lolas na makamit ang hustisya sa pang-aabusong natamo nila sa Japanese Imperial Army.

National

Romina, patuloy na kumikilos patungong Southern Kalayaan Islands

“This is a major and serious indictment of the Philippine government for its continued failure to assist Filipino comfort women in their struggle for justice, human dignity, and compensation for the horrible crimes committed by the Japanese Imperial Army,” saad nito.

Ang inilabas na desisyon ng UN Committee on the Elimination of Discrimination against Women (CEDAW) ay isang pag-asa umano para sa mga lola na aaksyunan na ng gobyerno ang kanilang mga hinaing.

Nitong Biyernes din ipinangako ng Malacañang na pag-aaralan nila ang nasabing desisyon ng CEDAW.

BASAHIN: Malacañang, nangakong pag-aaralan ang desisyon ng UN sa ‘comfort women’

Maghahain din umano ang Gabriela ng panukala hinggil sa ulat at rekomendasyon ng CEDAW sa sitwasyon ng Malaya Lolas.

“We urge various government instrumentalities to take urgent steps to assist our comfort women in seeking compensation and an apology from the Japanese government,” anang Gabriela.

“We already filed a resolution to urge the Philippine government to demand apology and compensation for our wartime sex slaves from the Japanese government – which we hope will be adopted by the House of Representatives to express its sincerity in aiding Filipino comfort women in their struggle for justice,” dagdag nito.