Hindi makapaniwala ang gitarista ng Parokya ni Edgar na si Gab Chee Kee na sa wakas ay nakalaya na siya sa ospital kamakailan, salamat sa mga nagtulong-tulong at nagdasal sa kaniyang paggaling.

Ito ang abot-abot na pasasalamat ng bandista sa tampok na Facebook post ng grupo ngayong Sabado, Marso 11.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

“I am out of the hospital and home, finally. It was a journey. A seemingly impossible one. Made bearable and surmountable by so many angels. I'm surrounded by angels. Doctors, nurses, producers, musicians, artists, family, friends and strangers from all over,” mababasa sa tila maiksing liham ni Gab sa lahat.

“You stormed the heavens with your prayers. I feel unworthy of your support yet I am thankful beyond words. Sobrang salamat!” dagdag niya.

Basahin: Gab Chee Kee ng PNE, lumaya na sa ICU; gamutan laban sa cancer, puspusan pa rin – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Matatandaang halos ilang buwan ding naging madugo ang naging laban ni Gab sa sakit na lymphoma sa ospital.

Sama-samang nagtulong-tulong ang mga kaibigan sa industriya, at fans para sa naging pinansyal na pangangailangan ng gitarista sa patuloy na gamutan.

Basahin: Gitarang pirmado ng E-Heads, naisubasta sa halagang P1.3M; Gab Chee kee, patuloy na lumalaban sa sakit – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid