SUBIC, Zambales -- Timbog ang isang drug den operator at ang apat nitong kasamahan sa loob ng isang drug den kasunod ng isinagawang buy-bust operation sa Brgy. Matain, Subic nitong Sabado, Marso 11.

Kinilala ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) region 2 ang mga suspek na sina Roberto Javier, Aljan Jawatan, Dnate Manalili, Rodrigo Yap, at Ainal Mulabi.

Nasamsam mula sa mga suspek ang pitong heat-sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng hindi bababa sa 15 gramo ng umano'y shabu na may halagang P103,500; assorted drug paraphernalia, at buy-bust money.

Ang nasabing operasyon ay isinagawa ng operatiba ng PDEA Zambales Provincial Office at local PNP.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Mahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga nahuli.