May bahagyang pagtaas sa bilang ng mga kaso ng rabies ngayong taon, ayon sa isang opisyal ng Department of Health.

Ayon kayDOH-Epidemiology Bureau Director Dr. Alethea De Guzman nitong Biyernes, Marso 10, sa huling datos noong Pebrero 25 ay nakapagtala sila ng 55 kaso ng rabies. Ito ay mataas ng walong porsyento kumpara sa 51 kasong naitala sa parehas na period noong nakaraang taon.

Sa kabila ng pagtaas ng kaso, hindi pa raw ito nakaka-alarma.

“I would not describe it as alarming though it is slightly higher. Bakit slightly higher? Possible na nagi-improve na yung surveillance natin," saad ni De Guzman.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

“Remember for the past three years, we have been very focused on Covid-19. And it is only recently we have resources for diseases other than Covid-19,” dagdag pa niya.

Sinabi ni De Guzman na ang mga rehiyon na may pinakamaraming kaso ng rabies ay ang Central Luzon na may 11 kaso, Calabarzon na may siyam, Bicol Region na may lima, apat sa Northern Mindanao, at apat naman sa Davao Region.

“Mas matatanda yung mga nagiging rabies cases natin.Seventy-two percent of our cases naman ay mga lalaki, so ang greater proportion ay among the male sex,” anang opisyal ng DOH.