Pumutok ang isa sa pinakaaktibong bulkan sa buong mundo na Mount Merapi sa Indonesia nitong Sabado, Marso 11, na siyang naging dahilan upang matakpan ng abo ang mga daan at kabahayan sa kalapit nito.
Sa ulat ng Agence France Presse, nangyari umano kaninang 12:12 ng tanghali (0512 GMT) ang pagputok ng Mount Merapi na matatagpuan sa Java Island.
Kinumpirma naman ng disaster mitigation agency ng Indonesia na wala pang naiulat na nasawi dahil sa nasabing pagputok ng bulkan.
Samantala, umabot na umano ang ash cloud sa 9,600 feet (3,000 metres) sa taas ng tuktok ng bulkan kaya’t hindi bababa sa walong kalapit-barangay ang nabalot ng abo.
Dahil dito, itinaas ang restricted zone pitong kilometro mula sa bunganga ng Mount Merapi.
Ang bansang Indonesia ay matatagpuan umano sa Pacific "Ring of Fire" at mayroong halos 130 aktibong mga bulkan.