Kamakailan lamang ay muling ibinahagi ng Viva Entertainment ang isang action-comedy movie na "Pintsik" starring Dennis Padilla, Kempee De Leon, Donna Cruz, at ang Japanese martial arts actress na si Yukari Ōshima na mas kilala bilang si "Cynthia Luster."

Kaya naman tanong ng marami, nasaan na nga ba si Cynthia Luster? Kumusta na siya?

Cynthia Luster (Larawan mula sa FB ni Yukari Oshima)

National

PBBM admin, nagsisilbing ‘totoong kalamidad’ sa ‘Pinas – Maza

Noong 90s na hindi pa masyadong advance ang teknolohiya at wala pa masyadong gadgets, libangan ng lahat ang pagbabasa, pakikinig ng radyo, at panonood ng pelikula at telebisyon.

Sa erang ito, naging tanyag ang mga palabas na may action-themed lalo na mula sa Asya, kaya nanaluktok ang mga pangalan nina Bruce Lee, Jackie Chan, Jet Li, at Cynthia Luster sa mga pelikula na may halong martial arts at Kung Fu.

Si Yukari Ōshima ay Japanese martial artist at aktres na unang sumikat sa Hong Kong at sumikat din sa Pilipinas bilang si Cynthia Luster. Dahil sa pagkahumaling ng mga Pilipino kay Jackie Chan, siya ang naging babaeng katumbas nito o "female counterpart."

Bago pa man sumikat sa Pilipinas ay naging kontrabida muna si Cynthia sa sikat na sikat na palabas noon na "Bioman."

Matapos lumalam ang karera sa HK ay saka naman ito nagtungo sa Pilipinas upang subukin ang kaniyang kapalaran.

Napasama siya sa ilang Pinoy comedy-action movies gaya ng "Pintsik," at "Once Upon A Time In Manila" kasama ang aktor at komedyante na si Vic Sotto.

Nang humina ang kaniyang career sa Pinas ay bumalik siya sa Fukuoka, Japan upang doon na manirahan.

Ayon sa ulat, sa ngayon daw ay co-founder at teaching staff siya ng Yukari Oshima Action School kung saan siya nagtuturo at nagsasanay sa kabataang nais pasukin ang martial arts, o magkaroon ng kasanayan sa pakikipagbakbakan sa action movies. Aktibo rin umano siya sa pagpo-promote ng turismo sa kanilang lungsod.

Cynthia Luster (Larawan mula sa FB ni Yukari Oshima)